Jose Rizal Vs. Andres Bonifacio

Marahil ay kilala niyo na ang dalawa sa pinakamagigiting nating mga bayani, sila ay sina Jose Rizal at Andres Bonifacio. Pero para sa inyo sino nga ba ang karapat-dapat na maging pambansang bayani ng ating bayan? Si Jose Rizal ba o si Andres Bonifacio?

Kung tayo ay magbabalik-tanaw, si Jose Rizal ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya sa Calamba. Ang kanyang ina ay isang guro at ang kanyang ama naman ay isang haciendero. Samantala, si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya, ang kanyang ay isang butihing maybahay at ang kanyang ama naman ay isang satre.

Kapwa sila nagtatagay ng pambihirang katalinuhan. Si Rizal ay nakapagtapos ng iba't-ibang kursong tulad ng Pilosopiya at Panitikan, kursong Agham sa Pagsasaka at kursong Medisina at bihasa sa iba't-ibang wika. Si Bonifacio naman na kahit nakapag-aral ay mahilig magbasa at sumulat. Magaling din siya sa pagsasalita ng wikang kastila.

Pareho silang sumusulat ng mga akdang tungkol sa pagmamahal sa bayan. Isa sa pinakasikat na tulang isinulat ni Bonifacio ay ang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa." Si Rizal naman ay kilala sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Pareho sila ng layunin at handang mamatay upang makalaya ang ating bayan sa pang-aapi mga dayuhan. Si Rizal ay ginamit ang kanyang mga akda upang mamulat ang mga Filipino sa mapang-aping dayuhan. Si Bonifacio naman ay gumamit ng dahas kaya itinatag niya ang KKK o "Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" upang maghimagsik sa mga Kastila.

Si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta Park noong ika-30 Diyembre 1986. Namatay siya sa kamay ng mga dayuhan. Ngunit nakakalungkot namang isipin na si Bonifacio ay namatay sa kamay ng sarili nating mga Filipino nang ipapatay siya ni Emilio Aguinaldo sa salang "Sedisyon at pagtataksil sa bagong pamahalaan" noong ika-10 ng Mayo, 1987, sa kabundukan ng Maragondon, Cavite.

Para sa akin pareho silang dapat tanghaling pambansang bayani dahil pareho nilang ipinagtanggol ang ating bayan sa mapang-aping dayuhan. Kayo, sino para sa inyo ang pambansang bayani?


Comments