
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ang kanyang mga magulang. Siya ay nag-aral ng Elementarya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu, ngunit siya ay nahinto sa pag-aaral ng mamatay sa sakit na tuberkolosis ang kanyng mga magulang.Sa edad na 14, ay siya na ang nag-alaga sa kayang mga nakababatang kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Petrona, at Iroadio. Pagtitinda ng baston at pamaypay ang tanging ikinabubuhay nila.
Kahit salat sa pinag aralan, marunong siyang magbasa at sumulat. Dalubhasa din siya sa pagsasalita ng salitang Kastila. Kaya't nakapagtrabaho siya bilang ahente at klerk. Dito ay ipinakita niya ang kanyang determinasiyon at sipag sa kanyang trabaho. Dahil dito, naging matatag siya sa kanyang trabaho.
Bagama't mahirap, mahilig siyang magbasa ng mga libro tulad ng nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo na kanyang isinalin sa Tagalog, Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Sumulat din siya ng mga artikulo at mga tula na tungkol sa pagmamahal sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng ating bayan, Isa sa pinakasikat na tulang kanyang sinulat ay ang 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Dahil sa kanyang mga nabasang aklat nagsiklab sa kanyang kalooban na gumawa ng Himagsikan at kaya itinatag niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan. Itinatag niya ang Katipunan kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Dahil dito kinilala siya bilang "Ama ng Rebulusyon." At tinawag siyang "Supremo" ng ibang mga kasapi ng katipunan. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Mabilis na dumami ang kasapi ng Katipunan maging iba't ibang panig ng Pilipinas. At noong Mayo 1986 nagplano na sila na maghimagsik laban sa mga kastila, nguhit hindi ito natuloy sapagkat natuklasan ito ng mga Kastila. Noong ika-23 ng Agosto, 1896, mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan at doon ay sabay sabay nilang pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebulusyon, isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Dahil sa tagasunod ni Aguinaldo ang mga nasa ilalim ng kapangyarihan ni Bonifacio, minaliit nila ang kakayahan ni Bonifacio dahil sa siya ay mahirap lamang. Nainsulto si Bonifacio kaya't ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan dahil sa pandaraya ng mga Magdalo sa nasabing bothan. Dahil dito kinasuhan siya ni Aguinaldo ng sedisyon at pagtataksil sa mga Magdalo.
Habang hindi pa nakalalabas ng Cavite si Bonifacio at ang kanyang pamilya, inaresto at ipinapatay siya ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan dahil daw sa kanyang mga gawain na paglaban sa bagong pamahalaan. Pinatay siya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897 kasama ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio.
Wow ang galing naman nakatulong yan saakin
ReplyDeletewao
ReplyDeleteNice
ReplyDeleteTnx,
ReplyDeleteAng galing ng story dahil dito nakagawa ako ng assignment salamat🥰🥰
ReplyDeleteThank you dahil dito na tapos ko ang assignment ko 🥰😊
DeleteMay maling date. Bakit may Mayo "1986" dun?
ReplyDelete196 yun
Delete1896
DeleteTy no 😀
ReplyDeleteANg galing dapat si Andres bonifacio pambansang bayani natin
ReplyDeleteTnxx may project na ako at recitation sana may sahod din kayo kada comment ng magaganda yieeee tnx alot love lotss❤️
ReplyDeleteProject ko din sa pilipino
Deletedo you have any biography with year of andres bonifacio?
ReplyDeleteThx po nakagawa ako Ng assignment
ReplyDeletethanks po kasi we need this in our assignment :)
ReplyDeleteSalamanca sa talambuhay
ReplyDeleteSalamat sa talambuhay
ReplyDeleteSalamat sa talambuhay
ReplyDeleteSalamay sa Talambuhay
ReplyDeleteTnx po
ReplyDeletesino po author nito?
ReplyDeleteSaan po nag aral si Andres Bonifacio ng hayskul at kolehiyo? paki sagot po pls. thank you!!😘
ReplyDeleteSan po nag aral si anders bonifacio ng hayskul at kolehiyo😅
ReplyDeleteHindi na cya nagaral ng hs at kolehiyo kase dba napatigil na siya ng 14 yrs old
DeleteThank you po..dahil dto nasagutan ko po yung gagawin ko sa module.. tank you very much po :)
ReplyDelete