Bayani Vol 1 Episode 2

Part 1
 

Part 2
 

Part 3
 

Part 4
 


Ang katipunan ay samahang itinatag ni Andres Bonifacio na naglalayong makalaya ang ating bayan sa mga mapang-aping dayuhan. Ito ay isang lihim na samahan dahil ipinagbabawal ito  ng mga Espanyol. Bago maging isang kasapi ng Katipunan, dumaraan siya sa isang pagsubok upang malaman ang kanyang malinis na hangarin at katapangang. Kapag nakapasa sa pagsubok ang bagong kasapi ng Katipunan, lumalagda siya sa isang kasulatan gamit ang kanyang sariling dugo o blood compact. 

Ang sandugo o blood compact ay isang ritwal kung saan hinihiwa nila ang kanilang braso at pinupuno nila ng kanilang dugo at kanila itong iniinom bilang tanda ng pagkakaibigan o pagpapatunay ng isang kasunduan.

Tuwing magkakaroon ng pulong sina Andres Bonifacio at ang mga katipunero, nagdaraos sila ng sayawan upang maaliw ang mga guardya sibil at hindi mahalata ang kanilang pagpupulong. Mahigpit na ipinagbabawal ng mga Espanyol ang pagkakaroon ng lihim na samahan. 

Bilang isang katipunero sinusunod niya ang Kartilya ng Katipunan. Ito ay talaan ng mga alituntunin o kautusan ng Katipunan. Ito ay isinulat ni Emilio Jacinto na itinuturing na "Utak ng Katipunan." Isa sa magandang kautusan na nakapaloob sa Kartilya ng Katipunan ay ang paggalang sa kababaihan.

Si Gregoria de Jesus o mas kilala sa tawag na Aling Oriang ay itinuturing na "Lakambini ng Katipunan." Siya ang maybahay ni Andres Bonifacio. Sila ay ikinasal noong Marso 1893 sa Simbahan ng Binondo. Muli silang ikinasal sa kagubatan sa harap ng mga miyembro ng katipunan. Sa gabi ng araw ding iyon, itinatag ang sangay ng kababaihan ng Kababaihan kung saan siya ang naging bise-presidente ng sangay na iyon. Noon pa man ay kinikilala na ng Katipunan ang mahahalangang papel na ginagampanan ng mga kababaihan. Kung kaya malaki talaga ang naging kontribusyon ni Gregoria De Jesus sa Katipunan.

Talagang kahanga-hanga ang kabayanihang ipinakita ng mga Filipino noong panahon ng Rebolusyon. Handa nilang ibuwis ang kanilang mga buhay, makamtan lamang ang inaasam na kalayaan.

Comments