Noong unang panahon, maayos na naninirahan ang lahat ng uri ng gulay at prutas sa bayan ng Sariwa. Masayang naglalaro ang mga prutas at gulay na sina Luya, Kalabasa, Bawang, Sibuyas, Patola, Upo, Kamatis, Labanos, Talong, Mustasa at Singkamas
Isang araw, tumubo ang isang kakaibang gulay, maputlang-maputla ang kanyang kulay at siya ay walang lasa. Ito ay si Ampalaya.
Naiinggit si Ampalaya sa kanyang mga kasama. Kaya't laging maiinit ang kanyang ulo at sinisigawan niya ang sinumang lumalapit sa kanya. At dahil dito nilayuan siya ng mga kasama niyang gulay.
Dahil sa kagustuhan ni Ampalaya na magkaroon ng mga katangian na mayroon ang kanyang mga kasama, binalak niya na nakawin ang mga ito. Isang gabi, habang mahimbing na matutulog ang mga gulay at prutas isinagawa ni Ampalaya ang kanyang plano.
Dahan-dahan siyang gumapang at kinuha ang tamis ni Kalabasa. Inilagay niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Kinuha din niya ang kaputian ni Labanos na noon ay nakasabit sa bintana.
Pati ang lilang balat ni Talong, ang luntiang pisngi ni Mustasa, ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola ay ninakaw din niya.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil nasa kanya na siya ang lahat mga katangian ng kanyang mga kasamang gulay
Kinabukasan, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagsama-sama ang lahat ng gulay. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating ang isang dayuhang gulay. Kahanga-hanga ang gulay na ito sapagkat nagiiba-iba ang kulay ng balat niya at pati ang kanyang lasa.
Ngunit nagdududa si Kamatis sa pagkagulay ng bisita kaya hinikayat niya ang kanyang mga kasama na subukin ang dayuhang gulay sa kanyang balag.
Habang nakaharap sa salamin, isa-isang hinubad ng dayuhang gulay ang mga lasa,kulay at ganda. At laking gulat nila ng makita nila na si Ampalaya pala ang Dayuhang gulay.
Hinuli si Ampalaya sa salang pagnanakaw. At sa paglilitis, dumating ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
Napatunayang nagkasala si Ampalaya kaya't siyay pinarusahan. Bilang parusa, lahat ng ninakaw niyang lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasamaay mapupunta sa kanya.
Hindi makapaniwala si Ampalaya sa kanyang naging parusa.
Matapos ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik sa mga gulay ang lahat na ninakaw ni Ampalaya. Kinagabihan, may kamangha-mangha na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away-away sa loob ng katawan ni Ampalaya ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw niya. Nagsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay kaya't nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat.
Nagsabunutan naman ang kinis at gaspang, kaya't lumabas ang mga kulubot sa kaniyang katawan. Ang tamis, asim, at anghang, naman ay nagsigawan kaya't lumitaw ang kanyang pait.
Mula Noon, naging kulubot ang balat ni Ampalaya at naging madilim na luntian ang kanyang kulay. At ang lasa niya ay naging mapait . Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.
Aral sa Kwento:
Tunay na nakakapangit ang inggit. Kaya't makuntento ka na at ipagpasalamat sa Diyos kung ano ang mga bagay o katangian na meron ka.
Comments
Post a Comment