Sa isang malayong lupain ay may nakatirang isang mag-asawa. Sila ay sina Mang Cardo at Aling Lala. Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae at pinangalanan nilang Carla. Mahirap lamang sila ngunit masaya naman ang kanilang pamilya. Lumaking busog sa pagmamahal si Carla kaya siya ay naging mabait, masipag at matalinong bata.
Makalipas ang sampung taon, nasa ika-apat na baitang na si Carla sa elementarya. Bagama't malayo at kailangan pa niyang tumawid ng ilog bago niya marating ang kanilang paaralan, nagtityag siyang gumising ng maaga dahil gusto niyang makatapos ng pag-aaral. At dahil nga kailangan pa niyang tumawid ng ilog upang makarating sa kanyang paaralan, palaging nababasa ang laylayan ang kanyang palda kaya lagi siyang tinutuksong ng kanyang mga kaklaseng "Carlang Basa."
"O ayan na pala si Carlang Basa, Carlang Basa! Carlang Basa! Carlang Basa!" panunukso ng kanyang mga kaklase!
Ngunit hindi na lamang pinapansin ni Carla ang kanyang mga kaklase dahil mas importante sa kanya ang makatapos ng pag-aaral. Kahit nasasaktan siya kapag tinatawag siyang "Carlang Basa"
"Okay class, Sino sa inyo ang gumawa ang kanyang takdang aralin? Pakitaas ang kamay." tanong ng guro sa kanyang mag-aaral.
"Hala? May takdang-aralin pala, nakalimutan ko."
Walang nagtaas ng kamay kundi si Carla lamang.
"Magaling! Carla, class dapat tularan nyo si Carla, kahit malayo ang bahay nila dito sa paaralan ay hindi niya nakakalimutang gumawa ng kanyang mga takdang aralin.
"Hmmppp. Nagmamagaling na naman yang Carlang Basa na iyan. Makikita niya may araw din siya." bulong ni Nadia sa sarili.
Si Nadia ay kaklase ni Carla mula sa unang baitang. Kahit walang ginagawang masama si Carla ay inis na inis ito sa kanya.
Matapos ang klase nilapitan ni Nadia si Carla.
"Hoy! Carlang basa, nagmamagaling ka naman sa harap ni Ma'am kanina." pagalit na sabi ni Nadia.
"Bakit kasalanan ko ba kung hindi kayo gumagawa ng takdang aralin at ako lang ang gumawa?"
"At sumasagot ka na ngayon ha! Pak! Sa susunod na magmagaling ka pa sa harap ng titser natin hindi lang iyan ang aabutin mo." pagbabanta ni Nadia.
Maluha-luha si Carla habang hinihimas ng kamay ang kanyang pisnging sinampal ni Nadia. Tumayo ito at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Matagal ng ginagawa ni Nadia ang pananakit nito sa kanya ngunit hinahayaan na lamang niya ito dahil pangarap talaga niya ang makatapos ng pag-aaral at maging guro paglaki niya.
Tumungo siya sa Silid aklatan at ginawa ang kanyang mga takdang-aralin. Wala kasing pambili ng libro ang kanyang mga magulang kaya nanghihiram lamang siya sa silid aklatan. Wala rin kuryente sa kanilang bahay kung kaya sa paaralan pa lamang ay nag-aaral na siya ng kanyang mga leksyon. Pagkatapos iniiwan na niya ang kayang mga gamit sa kanyang locker sa paaaralan upang hindi na niya ito kailangang dalhin para sa kinabukasan.
"Ahhh, dito pala niya iniiwan ang kanyang mga gamit. Hmmmpp! tingnan ko lang kung makapagmamagaling ka pa bukas." natatawang bulong ni Nadia sa sarili.
Kinabukasan masayang gumising si Carla. Natutuwa siya dahil nagawa na niya ang kanyang mga gawain sa bahay at sa paaralan.
Pagdating niya sa paaralan, laking gulat niya ng walang laman ang kanyang locker. Wala ang kanyang mga kwaderno, papel at ang iba pa niyang gamit. Patakbo siyang pumunta sa kanyang silid aralan at doon niya nakita ang kanyang mga gamit na basang-basa. Nangingilid ang luha siyang lumapit sa kanyang upuan. Pagkatapos ay dumating si Nadia na may dalang timba at bigla nalang ibinuhos ang lamang tubig kay Carla.
"Iyan ang bagay sa'yo, palagi ka kasing nagmamagaling, hahaha!" natatawang sabi ni Nadia. Habang nagtatawanan din ang iba niyang mga kaklase at sila ay sumisigaw ng "Carlang Basa!"
Patakbong umalis si Carla. Pumunta siya sa tabi ng ilog at doon ay siya nag-iiyak. Nakaramdam siya ng awa sa sarili.
Naawa sa kanya ang Diwata ng Ilog. Ninais ng Diwata na siya ay ipaghiganti. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil sa lakas ng ulan hindi nagtagal, umapaw ang tubig sa ilog. Tumakbo si Carla pabalik sa paaralan upang bigyang babala ang mga tao sa paaralan. Ngunit huli na ang lahat, mataas na rin ang baha sa kanilang paaralan. Marami ang nag-iiyakan at humihingi ng saklolo. Hindi nanaig ang galit nito sa kanyang mga kaklase, bagkus ay naawa si Carla sa kanila. Tinulungan niya ang mga ito dahil alam niyang hindi sila marunong lumangoy. Nakita ni Carla si Nadia na humihingi din ng saklolo at tinulungan din niya ito.
"Bakit mo ako tinutulungan, hindi ba't marami na akong atraso sa'yo. Ang sama-sama ko sa'yo. Palagi kitang inaaasar at tinutukso?" tanong ni Nadia kay Carla.
"Alam mo, kahit sino basta kailangan ng tulong dapat mong tulungan." nakangiting sabi ni Carla.
"Sorry sa mga nagawa ko sa'yo. Sorry talaga." naiiyak na sabi ni Nadia.
"Wala na yon tapos na yon. Sige pinapatawad na kita."
"Magkaibigan na ba tayo?"
"Oo naman, ikaw pa."
Nang mailigtas na ni Carla si Nadia. Lumangoy siya ulit upang iligtas pa ang ibang mga bata ngunit biglang nakaramdam ng pagod si Carla. Parang may humihila sa kanyang mga paa. Anumang pilit niyang lumangoy paitaas ay lalo siyang lumulubos hanggang sa tuluyan na siyang nalunod.
Namatay si Carla at inilibing ang kanyang bangkay malapit sa paaralan. Makalipas ang ilang buwan may tumubong isang di pangkaraniwang halamang gumagapang sa puntod ni Carla. Nang makita ito ng kanyang mga kaklase ang halaman naalala nila si Carla dahil sa bunga nito na bilugan tulad hugis ng ulo nito. At nang biyakin nila ang bunga nakita nila ang hugis luha na buto nito tulad ng mga patak ng luha ni Carla tuwing niloloko nila ito. Nalungkot ang magkakaklase ni hindi manlamang sila nakahingi ng paumanhin kay Carla dahil sa panunukso nila dito at hindi din sila nakapagpasalamat sa kanya. Naging aral ito sa kanila at ipinangakong hindi na sila manunukso ng kanilang kapwa. At tinawag nilang Carlang Basa ang halaman at hindi nagtagal ay tinawag itong kalabasa.

Comments
Post a Comment